I1Q

Hindi ko alam kung totoong tanggap ko na, o pati sarili ko, niloloko ko lang. Alam kong may natutunan ako sa mga nagdaang araw, pero hindi ko alam kung ang mga natutunan kong iyon ay ang mga dapat ko talagang matutunan. Nagpapasalamat akong may malasakit pa pala ang tadhana sa aki't inilapag nya ako --- hindi binagsak o iniwan kung saan-saan --- sa lugar na makapagpapasaya sa akin nang lubusan. Talagang buong-puso naman akong sinalo at tinanggap ng lugar na ito, walang pag-aalinlangan, purong intensyon. Kaya lang, ang problema ko ngayon, kung gusto ko pa ba talagang balikan ang nakagawian ko rati, o eto na nga ba ang nakagawian ko at wala na ang "dating" nais balikan? Ewan. Salamat nalang siguro sa pakikiramay, pero hindi ko pa talaga alam ang tiyak na aking nararamdaman. Pagsisisi? Hindi ko namang masasabing hindi ako naging mas masaya rito. Inggit? Masaya naman akong nasa kasalukuyan, at hindi palutang-lutang sa nakaraan. Atsaka, masaya narin ako sa pagbabalik-tanaw lang sa "rati". Kalungkutan? Hello?! Ilang beses ko na bang nabanggit na masaya ako? Pangungulila? Baka, pero may mga tao namang tumanggap at nakaunawa sa akin. FYI, sagana ako sa friends. Samakatuwid, kahit balubaluktot ang pilosopiya ko, walang problema. Pero bakit ko naisusulat ito? Sa dinami-rami ng pagpipiliang maisulat, pwede namang yung assignment ko nalang sa Bio ang inatupag ko ngayon. Ewan. Ayun, alam ko na ang mali ko. "Ewan. Bahala na si Lord. Manigas ka." Nawalan na ako ng malasakit sa kapwa ko mga bangag pag Chinese (gaya ngayon), sa kapwa ko tao. Bakit? Paano? Kailan pa? Ewan nang tatlong beses. Gaano? Kanino? Ewan. Anong gagawin ko? Bahala na si Lord. E anong balak ko? Manigas ka. Bakit ako nagkakaganito? Ewan. Tulong naman d'yan, baka alam mo ang sagot. Baka nabasa mo sa jokebook o kung saang sexy magazine na nakatambak sa garahe ninyo ang sagot sa mga tanong ko. Please, sagutin mo 'ko. O mas mabuti pa, ibigay mo nalang sa akin ang kopya ng jokebook (o sexy magazine) na 'yon. Pero sana, wag mo 'kong sagutin ng ewan.

Karagdagang pasasalamat kay Bob Ong na naging inspirasyon ko sa pagsusulat ng talatang ito. (Katatapos ko lang kasing basahin ang isa sa mga libro nya, ngayong Chinese.)

2 Comments:

  1. Anonymous said...
    Gostei muito desse post e seu blog é muito interessante, vou passar por aqui sempre =) Depois dá uma passada lá no meu site, que é sobre o CresceNet, espero que goste. O endereço dele é http://www.provedorcrescenet.com . Um abraço.
    Anonymous said...
    Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my blog, it is about the TV Digital, I hope you enjoy. The address is http://tv-digital-brasil.blogspot.com. A hug.

Post a Comment



Older Post Home