Siya nga pala, ako si Buboy Ogie Bangaw. Alam ko, ang bantot ng pangalan ko. Masisisi ko ba ang sarili ko o ang nanay ko o ang tatay ko? Wala namang may gustong Bangaw ang maging apilido nila. Pero kung tutuusin, masaya nga magkaroon ng kakaibang pangalan. Sa unang pagkakataon kasi, naramdaman kong kakaiba ako. Unique ako!

“Senyor Buboy Bangaw, what were yo doing a while ago in my class?”

Hay… umuulan nanaman ng laway.

“Nothing.”

Kahit anong pilit kong iwasan ang makipag-usap sa kanya, para kaming sina Thalia at Fernando Jose na pilit pinagkukrus ang landas ng tadhana.

“Why were you sterring at outside the window?”

Isinusumpa ko ang mga sandaling iyon.

“Nothing.”

Kinasusuklaman ako ng demonyo at pinarusahan nya ako. Ano ba ang nagawa kong mali na ikahahantong ko sa ganito?

Marahil siguro ay may sumpa ang apilidong Bangaw. Simula pa lang nung bata ako, parang bangaw na kung lumapit at dumapo ang kamalasan sa akin. Madalas akong tuksuhin ng mga kaklase ko… hanggang ngayon. Hindi na rin mabilang ng mga daliri ko, isama mo na ang mga buhok ko sa ilong, ang dami ng pagkakadapa ko sa harap ng aming bahay. Madalas din akong mabasa ng mga rumaragasang sasakyan sa bahang kalye. Mahigit kumulang limampung beses na rin akong sinubukang lunurin ng swimming pool sa bahay ni tiya Kuring. Malas. Malas. Malas. Malas.

“…and I will talk to yor perents later!”

Malas.

2 Comments:

  1. Anonymous said...
    Nakakaexcite naman...hahaha...
    Anonymous said...
    Very similar.

Post a Comment



Newer Post Older Post Home