“One million seven-hundred seventy-four thousand four-hundred sixty-eight,
One million seven-hundred seventy-four thousand four-hundred sixty-seven,
One million seven-hundred seventy-four thousand four-hundred sixty-six,
…”


Lawit na ang dila ko na parang kabayo sa Jose Abad Santos sa pagbibilang paatras habang pauwi ng bahay. Bakit, kung iyong naitatanong? Aba, ewan ko! Marahil siguro ay para makalimutan ko ang problema ko sa crush kong hindi ako tinitingnan. Marahil siguro ay para iwas-malas, naging epektibong pamugaw sa kamalasan ang pang-araw-araw kong ritwal na ito. Marahil siguro ay para makalimutan ko ang problema ko sa guro kong barat sa grades, sa guro kong nagpapamemorize ng libro, sa guro kong subungero, sa guro kong anim ang daliri sa paa at may extra pang nakalawit sa tenga, sa guro kong may third eye, sa guro kong bungal, sa guro kong bakulaw kung makairap, sa guro kong baboy magsulat, sa guro kong may pekeng Havianas na tsinelas, sa guro kong Minola factory ang ilong, sa guro kong nag-t-T-back pag naka-slocks, sa guro kong may mala-bruhang hairstyle, sa guro kong hirap mag-ingles. Saan kaya? Sa crush kong ayaw akong tingnan? O baka naman ayaw ko siyang tingnan dahil natatakot akong magsawa sa kanya? Hindi. Sa ritwal kong iwas-malas? Hindi rin, nakatapak ako ng ipot iilang segundo lang ang nakakaraan. O sa guro ko? Hmm… Bwahahaha!
---WAKAS---

0 Comments:

Post a Comment



Newer Post Older Post Home